Panghuhusga
Bakit Tayo Nanghuhusga? Ang paghuhusga ay isa sa mga hindi magagandang asal ng isang tao. Sa pagkakaalam ko, tayo mga Pilipino ay mahilig manghusga sa kapwa nating Pilipino, nakakalungkot kasi imbis magtulungan tayo ay sinisira natin ang isa’t – isa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang reaksyon o opinyon tungkol sa isang pangyayari, bagay o tao at hindi natin kayang itago ang mga iyon. Minsan kasi, nadadala tayo sa ating mga emosyon kaya nagkaroon ng di pagkaunawaan. Bakit ba tayo mahilig manghusga sa kapwa natin? Bakit hindi ito kailan man mawawala kung alam naman nating lahat na hindi ito maganda? Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa aking isipan habang nag-iisip kung anong isusulat ko rito. Umiiral ang panghuhusga dito sa mundo dahil nadadala tayo sa mga iba’t-ibang emosyon o sa mga sinasabi ng ibang tao. Lahat tayo mayroon ng mga opinyon sa lahat...