Panghuhusga


Bakit Tayo Nanghuhusga?
           
Ang paghuhusga ay isa sa mga hindi magagandang asal ng isang tao. Sa pagkakaalam ko, tayo mga Pilipino ay mahilig manghusga sa kapwa nating Pilipino, nakakalungkot kasi imbis magtulungan tayo ay sinisira natin ang isa’t – isa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang reaksyon o opinyon tungkol sa isang pangyayari, bagay o tao at hindi natin kayang itago ang mga iyon. Minsan kasi, nadadala tayo sa ating mga emosyon kaya nagkaroon ng di pagkaunawaan.

            Bakit ba tayo mahilig manghusga sa kapwa natin? Bakit hindi ito kailan man mawawala kung alam naman nating lahat na hindi ito maganda? Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa aking isipan habang nag-iisip kung anong isusulat ko rito. Umiiral ang panghuhusga dito sa mundo dahil nadadala tayo sa mga iba’t-ibang emosyon o sa mga sinasabi ng ibang tao. Lahat tayo mayroon ng mga opinyon sa lahat ng mga bagay at normal lang iyon ngunit hindi normal ang magsabi ng hindi magagandang salita na kung saan masasaktan ang iba.

            Alam naman natin kung ano ang tama at mali, sana naman matigil na ang paghuhusga natin sa ating kapwa. Tandaan, nandyan lang sa paligid ang karma, baka mangyari rin kung ano ang nangyari nila sa iyo o mas pangit pa iyan.




Open your mind to the world and the many different ways that can be found in it, before making hasty judgments of others. After all, the very same thing that you judge from where you are— may very well be something totally different in meaning on the other side of the world. The problem with making hasty judgments is that it will emphasize your ignorance at the end of the day."
 ― C. JoyBell C.



Comments

Popular posts from this blog

Preparedness Plan

A Penny For Your Thoughts?