CAT Survival Camp 2020
Ang Aking Karanasan
Bago ko ilalahad kung ano ang aking karanasan sa kamping, ay ilalahad ko muna kung ano ang ibig sabihin ng CAT. Ang ibig sabihin ng CAT ay Citizenship Advancement Training. Lahat ng estudyante ay makakaranas nito sa kanilang ikasampung baitang. Sa pagkakaintindi ko, sila ang tumutulong sa kanilang kapwa estudyante, sila rin ang nagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan kapag may mga aktibidad sa eskwelahan. Kung wala ito, ay maaring magkagulo sa eskwelahan at hindi lalong matutunan ng ibang estudyante kung ano ang ibig sabihin ng disiplina at respeto.
Ngayon, ay ilalahad ko na ang aking karanasan sa kamping.
Sa totoo lang, hindi ko gusto sumali sa kamping kasi nakakapagod isipin na magkakamping kami tapos survival pa, double kill na iyon sa akin hahaha, ngunit ang sabi ng mga commaders na:
"Kapag hindi ka makakasali sa kamping ay gagawin mo ang mga aktibidad na ginawa o naranasan ng iyong kaklse ng mag-isa."
Eh ayaw ko naman na gagawin ko ang mga aktibad ng mag-isa kaya't nagpasya ako na sumali para marami kaming mahihirapan hahaha. Ayun na nga, habang papunta na ako sa eskwelahan ay kaba na ang aking nararamdaman kasi unang beses pa ako nakakasali ng survival kamping ngunit nung dumating na ako ay ako pa yung estudyante ang nandoon kasi ang aga ko eh hahaha. Habang kumakain at naghihintay ng kaklase ko ay maya't-maya ay nag-sinagdatingan na sila. May iba sa kanila na nag-uusap, yung iba ay naglalaro sa kanilang selpon dahil isusuko ang mga selpon namin mamaya. At dumating na ang oras na papasok na kami sa kampus dahil magparerehistro pa kami. Masaya at maingay naman ang lahat. Yung iba ay naghahanda na sa mga hamon, yung iba ay nagkwentuhan at yung iba naman ay naglalagay ng sunscreen sa kanilang katawan at mukha at kasali ako dyan HAHAHA. Like kapatid, kamping is life but skin care is lifer, charot HAHAHA. Naghihintay kami lahat sa aming kagrupo dahil may limang grupo kasi: Alpha, Bravo, Delta, Charlie at Delta.
Parang nasa terminal kami dito charot, |
Maya't-maya ay nagkaroon ng maliit na isyu dahil wala pa yung isang kagroupo namin at nagalit yung kagrupo ko. Lumipas ang oras at nagsimula na kami sa kamping. Bago namin sinimulan ang mga hamon at ang mga laro ay nagdasal muna kami at nagstretching para iwas sa mga aksidente. Pagkatapos nun ay nakinig kami sa mga sinasabi ng aming commandant at ng aming punong-guro.
Ang babait namin dito hehe. |
Ang laki ng mga ngiti, Bravo ah hahaha! |
Pagkatapos ng tanghalian ay nagpatuloy na kami. Nagkaroon ng assessment check ngunit hindi natapos dahil nakulang sa oras dahil natulog kaming lahat dahil sa pagod, Maya't-maya ay nagsimula na muli ang laro. Tinatawag nila itong "Treasure Hunting". Ayos naman ang mga laro maliban lang sa isa, yung isa na kung saan kinakailangan namin kunin ang karot sa planggana na may tubig. Madali lang pakinggan pero ang hirap kaya kasi ang tubig na ginamit sa iyon ay hinid panapalitan. Habang nanunod ako sa Delta kasi sila yung mas nauna sa amin ay ang una pumasok sa isip ko ay ayaw kong gawin iyan at tsaka yung mga reaksyon ng kaklase ko ay tanda na iyon na nakakatakot iyon. Eh nung kami na naman ang maglalaro, pumayag ako tapos nasasabik ako na subukan iyon. Ewan ko kung bakit ako naging ganyan eh ayaw ko naman talagang sumali. Nung ako na naman ay nung una ay ayos pa pero nung malapit na ako sa planggana ay naiiyak na ako kasi maraming mga puting lumutaw sa tubig eh di ko alam kung saan nanggaling iyon. Eh yun na nga, umiyak na ako kasi hindi ko pala kaya sis HAHAHAHA. Sabi ko sa sarili ko:
"Ano ba tong pinapasok ko."
Kapatiiiddd, hindi ko kaya iyon!! HAHAHA. Tinawanan lang ako sa commandant at natatawa rin ako ngayon habang nilalahad ko ito, So ayun na nga, wala akong magawa kungdi gawin yung gawain habang pabalik na ako sa aking kagroupo ay umiiyak pa rin ako HAHAHA (natatawa ako ngayon na ewan ngunit sigurado ako na hindi ko na iyon uulitin HAHAHA) ayun, kumalma ako sa tulong ni pinuno sa aming grupo kasi naging mapula yug mukha ko, baka sumabog HAHAHAH. Mga loko-loko rin sila minsan eh ahahha. Pagkatapos nun ay linaro namin yung mga ibang mga laro.
Pagkatapos sa mga laro ay may ginawa kaming isang gawain, nakalimutan ko kung anong tawag sa iyon. Maya't-maya ay naglalaro na naman kami ngunit kinakailangan lang naman ng tatlong tao sa bawat grupo. Pagkatapos iyon ay nagpahinga na kami kasi hapon na iyon. Sabi nila pahinga eh naglalaro kaming dalawa sa aking kaibigan na si Claire, yung human mop HAHAHA, tinawag ko iyon ng human mop dahil nagiging malinis yung lobby eh. Ewan ko kung bakit namin iyon ginawa pero masasya naman eh. Maya't-maya ay sinabi ng mga commanders na magkakaroon ng pictorial kada grupo. Habang naghihintay ay nagpatuloy kami ni Claire sa paglalaro ng Human Mop at ayun, nakisali na rin yung iba namin kagrupo sa Bravo. Ngayon ko lang napagtanto na napakasaya namin sa gabi na iyon, malakas yung tawanan ng lahat, malaking mga ngiti. It was priceless at hindi ko iyon ipagpalit sa anumang bagay. Pagkatapos ay tinawag na kami para sa pictorial.
"Ano ba tong pinapasok ko."
Kapatiiiddd, hindi ko kaya iyon!! HAHAHA. Tinawanan lang ako sa commandant at natatawa rin ako ngayon habang nilalahad ko ito, So ayun na nga, wala akong magawa kungdi gawin yung gawain habang pabalik na ako sa aking kagroupo ay umiiyak pa rin ako HAHAHA (natatawa ako ngayon na ewan ngunit sigurado ako na hindi ko na iyon uulitin HAHAHA) ayun, kumalma ako sa tulong ni pinuno sa aming grupo kasi naging mapula yug mukha ko, baka sumabog HAHAHAH. Mga loko-loko rin sila minsan eh ahahha. Pagkatapos nun ay linaro namin yung mga ibang mga laro.
Hindi ito yung larong iniyakan ko. Sa totoo lang, masaya itong gawin! |
Pagkatapos sa mga laro ay may ginawa kaming isang gawain, nakalimutan ko kung anong tawag sa iyon. Maya't-maya ay naglalaro na naman kami ngunit kinakailangan lang naman ng tatlong tao sa bawat grupo. Pagkatapos iyon ay nagpahinga na kami kasi hapon na iyon. Sabi nila pahinga eh naglalaro kaming dalawa sa aking kaibigan na si Claire, yung human mop HAHAHA, tinawag ko iyon ng human mop dahil nagiging malinis yung lobby eh. Ewan ko kung bakit namin iyon ginawa pero masasya naman eh. Maya't-maya ay sinabi ng mga commanders na magkakaroon ng pictorial kada grupo. Habang naghihintay ay nagpatuloy kami ni Claire sa paglalaro ng Human Mop at ayun, nakisali na rin yung iba namin kagrupo sa Bravo. Ngayon ko lang napagtanto na napakasaya namin sa gabi na iyon, malakas yung tawanan ng lahat, malaking mga ngiti. It was priceless at hindi ko iyon ipagpalit sa anumang bagay. Pagkatapos ay tinawag na kami para sa pictorial.
Napakasaya ng Bravo dito ah HAHAHA. |
Pagkatapos ng pictorial, ay nagpatuloy kami sa paglalaro. Para kaming mga bata na walang pakialam sa mundo hahaha. Habang kami ay naglalaro ay sinabi ni Claire sa akin na ganito pala yung epekto kapag hindi namin maaring magamit ang mga selpon namin. Pagkatapos ay naghahanda na kami para sa hapunan. Marumi na kaming lahat dahil sa laro namin HAHAHA. Pagkatapos ay tapos nang magluto ang lahat at kainan na.
Pagod na ako dito sis HAHAHA. |
Ewan, biglang nawala yung gutom ko pagkatapos sa gawain na iyon. Ganito kasi iyon, magsasabi ang commander naming ng 1, 2, 3 at 4. Para kaming ewan pero tinawanan lang namin lahat.
sis pagod talaga ako dito HAHAHAH. |
Pagkatapos kumain ay naligo at nagbihis na kaming lahat. Maya't - maya ay may ibang gawain na naman. Sabi nila na suotin yung blindfold, sinunuod namin iyon. Naging tahimik ang kampus. Tapos pinagkalat kami sa kampus, hindi ko alam kung anong gagawin pero may kutob na ako na may koneksyon ito sa aktibidad na ginawa namin sa ESP. Nung nagsalita na si kuya Juvanil (isa sa mga facilitator) ay bigla akong kinabahan dahil tama yung kutob ko. Akala ko yung tao na sinulat ko sa ESP ay yun rin yung taong kakausapin ko ngunit iba pala. Yung bestfriend ko ang nasa likod ko, bigla siyang umiyak at umupo, nagulat rin ako dahil akala ko hindi na kami mag-uusap muli. Niyakap ko siya at nag-iyakan kaming dalawa. Pinakinggan ko kung ano ang nasa isip at nararamdaman niya dahil alam ko na nagdudurusa rin siya. Hindi ko inaasahan na ganito o ganyan ang kanyang nararamdaman sa loob ng mga buwan na hindi kami nag-uusap dahil akala ko na kinalimutan na niya talaga ako. Walang salita na mailarawan ko kung gaano ako kasaya habang kami ay nag-uusap muli. We both missed each other, a lot. Humingi ako ng patawad sa kanya at pinatawad niya rin ako. Hindi ko maitago kung gaano ako kasaya sa gabi na iyon. Kaya't lubos ang aking pagpapasalamat sa mga commanders at ni commandant dahil hindi dahil sa kanila o sa aktibidad na iyon, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap.
Pagkatapos sa emosyonal na gabei ay natulog na kaming lahat. Hindi ako nakatulog agad dahil lagi kaming tumatawa sa katabi ko. Loko-loko rin yon eh.
Hindi ako nakatulog ng mahimbing o diritso dahil masakit sa luyo yung banig HAHAHAH. Maaga akong nagising at nagpasya ako na magtoothbrush at mag hugas sa aking mukha. Marami pa ang natutulog. Maya't-maya ay sumigaw ang aming commander ng "Platoonhumay" ay biglang nagising ang lahat at nagsitakbuhan patungo sa kinatatayuan ng commander. Pagkatapos iyon ay kinuha na namin ang aming mga higaan at nilagay sa itaas. Nagsimula na rin kaming naghanda para sa aming almusal. at pagkatapos iyon ay kumain na kami.
Ang init kasi kaya tinakpan ko yung ulo ko. |
Pagkatapos kumain at naglinis sa kainan ay naglalaro kami sa huling laro. Maraming nagtawanan sa laro dahil nakakatawa talaga siya. Pagkatapos nun ay nagbibigay ng parangal kami agad.
#ISurvivedCATCamping2020 |
#MostDisciplined #MostResponsible #SanaAll |
Pagkatapos iyon ay nagpictorial kaming lahat at nagsinag-uwian na.
The best decision I've ever made so far was to join the CAT Camping. |
Lahat ng larawan ay nanggaling kay Jan Emmy Julve.
Comments
Post a Comment